Reyes Brothers, nakakulong na sa Puerto Princesa City Jail – CIDG

By Jan Escosio September 25, 2015 - 12:00 PM

mug - pnp pio
Jan Escosio / PNP-PIO

(update) Dinala na sa Puerto Princesa City sa Palawan ang magkapatid na Joel at Mario Reyes.

Ayon sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) agad ding dinala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa kanilang flight patungo sa Puerto Princesa City kaninang ala 1:00 ng hapon.

Matapos ang isinagawang medical examination sa dalawa kanina, sinabi ng CIDG na kapwa ‘fit to travel’ ang magkapatid na Reyes.

Ayon kay PNP CIDG Director Victor Deona, nai-turnover na sa Puerto Princesa City jail ang magkapatid na Reyes batay sa commitment order na ipinalabas ni Judge Jose Usman ng Puerto Princesa RTC Branch 52.

Nagtataka naman ang abogado ng Reyes Brothers na si Atty. Rod Valmoria, sa desisyon na agad dalhin sa Palawan ang kaniyang mga kliyente.

Ayon kay Valmoria, nakagawa ng paraan ang PNP para sa isang special arrangement sa korte sa Palawan kahit holiday ngayong araw.

Nais sana ni Valmoria na sumailalim muna sa executive check-up ang kaniyang mga kliyente lalo si Mario Reyes dahil nilalagnat ito.

TAGS: Mario and Joel reyes, Mario and Joel reyes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.