PNP Chief Bato Dela Rosa, tikom sa planong pagtakbo sa Senado

By Cyrille Cupino January 08, 2018 - 10:51 AM

Inquirer file photo

Tikom pa rin ang bibig ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa posibilidad na tumakbo siya sa pagka-Senador sa 2019.

Ayon kay Dela Rosa, hindi muna niya iniisip ang mga lumalabas na resulta ng survey, at mas pinagtutuunan muna niya ng pansin ang kanyang trabaho sa ngayon.

Paliwanag ni Bato, kung magdedeklara na siya ng kanyang kandidatura nang maaga, posibleng akusahan siya ng pamumulitika.

“I cannot comment muna on that. Kailangan mag-focus sa trabaho. Pag sinabi ko na tatakbo ako lahat nalang ng decision ko dito sasabihin pulitika ang nasa isip ni Bato. Wala na, sira na diskarte ko,” ayon kay Dela Rosa.

Sa pinaka-huling survey ng Laylo Research Strategies na isinagawa noong November 11 hanggang November 19, 2017, nasa ika-12 pwesto ang PNP Chief.

Samantala, sa isinagawa namang survey ng Social Weather Stations (SWS) noong December 8 hanggang December 17, 2017, hindi nakasama sa Top 12 si Dela Rosa.

 

TAGS: 2019 elections, PNP chief Dir. Gen. Ronald "Bato" Dela Rosa, 2019 elections, PNP chief Dir. Gen. Ronald "Bato" Dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.