MMDA, nagsagawa na uli ng clearing operations sa Baclaran

By Kabie Aenlle January 08, 2018 - 04:39 AM

FILE PHOTO | INQUIRER

Nagsimula na ulit ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagbabaklas ng mga tindahan sa Baclaran sa Parañaque City na nakaharang sa mga kalsadang dinadaanan ng mga motorista at mga pedestrians.

Ito’y matapos ang pagbibigay sa kanila ng mga otoridad para sa nagdaang holiday season kung kailan maraming mamimili rin ang dumadagsa sa nasabing lugar.

Ayon kay MMDA operations supervisor Bong Nebrija, nagsagawa sila ng mga clearing operations sa EDSA-Taft Avenue sa Pasay City at sa Redemptorist-Baclaran sa Parañaque City nitong nagdaang weekend.

Pinagbabaklas ng MMDA ang mga istruktura ng mga pasaway na vendors na nagtitinda sa mga lugar na bawal pagtindahan o iyong mga dinadaanan ng mga sasakyan at pedestrians.

Nagkusa naman na ang iba na alisin ang kanilang mga paninda dahil sa takot na baka kumpiskahin ng MMDA ang mga ito.

Aminado naman si Nebrija na isang malaking pagsubok para sa kanila ang panatilihing maaliwalas ang mga nasabing kalsada mula sa mga pasaway na vendors.

Bukod kasi sa pagharang ng mga ito sa daanan, nagdudulot din ng sandamakmak na kalat ang mga ito sa kalsada.

Ang mga basurang ikinakalat aniya ng mga nasabing vendors ay napupunta at nagbabara sa mga drainage na kalauna’y magdudulot ng pagbabaha tuwing umuulan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.