Iloilo City Rep. Treñas, ipinasususpinde ng Sandiganbayan

By Angellic Jordan January 07, 2018 - 06:35 PM

Inquirer file photo

Sinuspinde ng Sandiganbayan si Iloilo City Representative Geronimo Treñas ng 90 na araw dahil sa kinakaharap na paglabag sa Section 13 ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ito ay kaugnay sa umano’y maanomalyang paglalabas ni Treñas ng P500,000 sa Iloilo Press Club (IPC) noong siya pa ang alkalde sa lungsod.

Ang naturang pondo ay nagmula umano sa Priority Development Assistance Fund ni Senadora Loren Legarda.

Ipinag-utos na rin ng korte ang pagpapadala ng kopya ng resolusyon ng implementasyon ng suspension order ni Treñas kay House Speaker Pantaleon Alvarez.

Samantala, sinabi naman ni Treñas na nirerespeto nito ang judicial porcess at makikipag-ugnayan kay Alvarez hinggil sa suspensyon.

TAGS: Anti Graft and Corrupt Practices Act, Iloilo City Representative Geronimo Treñas, Iloilo Press Club, sandiganbayan, Anti Graft and Corrupt Practices Act, Iloilo City Representative Geronimo Treñas, Iloilo Press Club, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.