Second package ng TRAIN law, nakatakdang isumite ngayong Enero
Nakatakdang magsumite ang Department of Finance ng ikalawang package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) ngayong Enero.
Ayon kay Finance Scretary Carlos Dominguez III, magsusumite ang kagawaran sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng package two ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) ngayong buwan.
Ito ay matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unang package na pagbabawas ng personal income tax (PIT) at palawigin ang value-added tax (VAT).
Sa second package, layon nitong bawasan ang corporate income tax rate ng 25 percent mula sa kasalukuyang 30 percent.
Ayon sa kalihim, nagkakaroon na ng progreso ang pag-iimplementa ng tax reform.
Matatandaang plano sanang isumite ng kagawaran ang second package noong October ng taong 2017 ngunit hindi ito natuloy matapos tutukan ng gobyerno ang naunang package.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.