DOJ, hiniling na baliktarin ang desisyong pagbabasura ng smuggling charges vs Tan

By Ricky Brozas January 07, 2018 - 03:15 PM

Inquirer file photo

Hiniling ng Department of Justice (DOJ) sa Valenzuela Regional Trial Court na baliktarin ang kanilang desisyon na nagbabasura sa smuggling charges laban sa chinese businessman na si Chen Ju Long na kilala rin bilang Richard Tan at ilan pang personalidad kaugnay ng P6.4-billion shabu shipment.

Sa motion for reconsideration, hiniling ng mga state prosecutors sa Valenzuela RTC Branch 171 na baliktarin ang kanilang desisyon sa kasong kriminal laban kina Tan, Manny Li, Kenneth Dong Yi, Customs fixer Mark Ruben Taguba II, Eirene Mae Tatad, Teejay Marcellana, Chen I-Min, Jhu Ming Jyun, Chen Rong Huan at tatlong hindi pinangalanang personalidad.

Iginiit ng DOJ panel of prosecutors na may hurisdiksiyon ang Valenzuela RTC na dinggin at litisin ang kaso sa maanomalyang shabu shipment.

Paliwanag ng DOJ panel, noong nakapasok ang iligal na kontrabando sa pamamagitan ng Manila International Container Port (MICP) ay sa Valenzuela natuklasan ang laman ng kargamento.

Matatandaang noong Disyembre 12, 2017, ipinag-utos ni Valenzuela RTC Branch 171 presiding judge Maria Nena Santos ang dismissal sa mga kasong kriminal laban kay Tan at iba pang personalidad dahil umano sa “lack of jurisdiction.”

TAGS: Chen Ju Long, DOJ, richard tan, Valenzuela RTC, Chen Ju Long, DOJ, richard tan, Valenzuela RTC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.