36-oras na liquor ban, ipapatupad sa pista ng Nazareno
Magpapatupad ng liquor ban ang Manila Police District (MPD) sa pista ng Itim na Nazareno sa Maynila.
Ayon sa MPD, ipapatupad ang 36 na oras na liquor ban sa loob ng 200-meter radius na daraanan ng prusisyon ng Nazareno.
Nabatid na sisimulan ang pagpapatupad nito bukas, araw ng Lunes, ganap na 6:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga sa araw ng Miyerkules.
Bukod sa liquor ban, nauna nang inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagkakaroon ng 48-oras na gun ban sa ilang mga lugar sa Maynila na magsisimula 12:01 ng January 8 at tatagal hanggang alas dose ng hating-gabi ng January 10.
Nauna rito, inanunsyo na rin ang pagputol sa signal ng cellular phone sa mga daraanan ng andas ng Itim na Nazareno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.