Replica Procession ng Itim na Poong Nazareno, gaganapin ngayong araw

By Rhommel Balasbas January 07, 2018 - 05:54 AM

Bahagi ng taunang selebrasyon ng kapistahan ng Itim na Nazareno ang pagsasagawa ng replica procession nito.

Inaasahan ang pagdalo ng libu-libong mananampalataya sa iba’t ibang bahagi ng bansa na magaganap ngayong araw ganap na ika-1:30 ng hapon.

Tampok sa prusisyon ang mga replica ng Black Nazarene mula sa iba’t ibang lugar kung saan magtitipon-tipon ang mga magsisipagdalo sa Quiapo Church.

Ayon sa mga organizers ng replica procession, bukod sa presentasyon ng mga sagradong imahe na inalagaan na at ipinasa mula sa mga nagdaan pang henerasyon, ipapakita ng taunang pagtitipon ang pananampalataya ng mga Filipino at ang malalim na debosyon sa itim Nazareno.

Umaasa naman ang parochial vicar ng Quiapo Church na si Fr. Douglas Badong na magkakaroon ng mas malalim na ispiritwal na paglalakbay ang mga mananampalataya ngayong taon.

Magsisimula ang prusisyon sa Plaza Miranda na kakaliwa sa Quezon Blvd. St, kakanan sa Claro M. Recto St., kakanan sa Loyola St., kakanan sa Bilibid Viejo St. na babagtas sa pamamagitan ng Puyat St., kakaliwang muli sa Z. P De Guzman St., kakanan sa Hidalgo St., kakaliwa sa Barbosa St.(Bautista), kakanan sa Globo de Oro St., kakanan sa Palanca St., kakanan sa Villalobos St. tungong Plaza Miranda pabalik ng Quiapo Church.

TAGS: Replica Procession of Black Nazarene, Traslacion 2018, Replica Procession of Black Nazarene, Traslacion 2018

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.