Space station ng China babagsak sa mundo sa Marso
Inamin ng China na pinaghahandaan nila ang pagbagsak sa mundo ng kanilang space laboratory na “Tiangong 1”.
Noong 2011 ay inilunsad sa himpapawid ang nasabing space station na may bigat na 8.5 tonelada at habang 40-feet.
Gayunman, sinabi ng Beijing na inaasahan nila na hindi ito makaka-apekto sa mga tao dahil tiyak umanong madudurog ito sa himpapawid bago umabot sa lupa.
Inilunsad sa himpapawid ang Tiangong 1 na kilala rin sa tawang na “Heavenly Palace” bilang bahagi ng space exploration program ng China na makapag-padala ng tao sa buwan at planetang Mars.
Pero noong May 16, 2016 ay inamin ng China sa United Nations na nagkaroon ng sira ang nasabing space station pero hindi naman nila ipinaliwanag kung ano ang naging dahilan nito.
Huling nakapagpadala ng astronauts ang China sa Tiangong 1 noong 2013.
Makaraan itong maging offline noong 2016 ay inilunsad naman ng China ang Tiangong 2.
Huling namataan noong December 24, 2017 ang Tiangong 1 sa layong 286.5 kilometers (178 miles) kumpara sa 348.3 kilometers (216 miles) noong Marso at inaasahang papasok ito sa orbit ng mundo sa kalagitnaan ng nasabing buwan.
Bagaman hindi inaasahang magdudulot ng aksidente sa kalupaan ng mundo, inaasahan naman na magkakaroon ng solar flares dulot ng mga metal debris na makaka-apekto sa signal ng ilang telecom satellites.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.