Margie Moran at Benjamin Magalong, binigyan ng posisyon ni Duterte sa gobyerno

By Kabie Aenlle January 06, 2018 - 05:23 AM

Kabilang sa mga naitalaga sa ilang posisyon sa gobyerno ang dating Miss Universe beauty queen na si Margie Moran Floirendo, at ang retired police director na si Benjamin Magalong sa mga bagong appointees ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Itinalaga ni Duterte si Magalong bilang miyembro ng board of directors sa Philippine National Oil Company.

Maninilbihan lang si Magalong sa nasabing posisyon hanggang sa June 30, 2018 para punan ang naiwang termino ni Bruce Concepcion.

Samantala, si Floirendo naman ay itinalaga ng pangulo bilang miyembro naman ng board of trustees ng Cultural Center of the Philippines (CCP) na maninilbihan rin lang hanggang June 30, 2018 para naman punan ang posisyon ni Danilo Dolor.

Si Magalong ay huling nanilbihan bilang deputy chief for operations sa Philippine National Police (PNP) bago siya mag-retiro.

Siya rin ang nanguna sa imbestigasyon ng pagkamatay ng 44 na Special Action Force troopers sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.

Si Floirendo naman ang dating nakoronahan bilang Miss Universe 1973 at dating misis ni Davao del Norte Rep. Anotnio Floirendo Jr. na isang masugid na tagasuporta ng pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.