Kampo ni Veloso, dismayado sa desisyon ng CA

By Kabie Aenlle January 06, 2018 - 04:33 AM

AFP File Photo

“Frustrating and ironic.”

Ganito isinalarawan ng mga abogado ni Mary Jane Veloso ang naging desisyon ng Court of Appeals (CA) na baliktarin ang naunang ruling na magpapahintulot sa kaniyang tumestigo laban sa mga umano’y nag-recruit sa kaniya.

Nagdesisyon ang CA Former Eleventh Division na baliktarin ang desisyon ng lokal na korte na papayagan sana si Veloso na magsalita laban sa kaniyang mga umano’y recruiters na sina Ma. Cristina Sergio at Julius Lacanilao sa pamamagitan ng deposition.

Ayon kay Atty. Edre Olalia ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), parehong “frustrating” at “ironic” ang nasabing injunction ng CA.

Apela ni Olalia, hayaan si Veloso na magsalita at ilabas ang sarili niyang kwento, dahil kung hindi ay mamamatay na lang si Veloso nang nakatikom ang bibig.

Tiniyak naman ng abogado na pormal nilang hihilingin sa CA na irekonsidera ang kanilang desisyon na pipigil kay Veloso na tumestigo laban kina Lacanilao.

Nakikipag-ugnayan na aniya sila sa Philippine Public Prosecutors at amging sa Office of the Solicitor General upang mabigyan ng “fair shake” ang kanilang apela.

Giit ni Olalia, wala namang fundamental right na malalabag kung papayagan si Veloso na ibigay ang kaniyang salaysay sa pamamagitan ng deposition mula sa kaniyang selda sa Wirongunan Penitentiary sa Indonesia.

Inilaban kasi nina Sergio at Lacanilao na lalabagin ng deposition ni Veloso ang kanilang “tight to confront the witness face to face” na nakasaad sa Section 14, paragraph 1 ng Saligang Batas.

Pinanigan ng CA ang mga hinihinalang recruiters ni Veloso at ipinaliwanag na sa ilalim ng batas ng Pilipinas, dapat humarap sa korte si Veloso.

Pero iginiit ni Olalia na ang nais lang nila ay maikwento ni Veloso ang kaniyang buong kwento na may garantiya ng due process at alinsunod sa basic rules of evidence.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.