Cuy, itinalaga ni Duterte sa DDB, Año sa DILG

By Len Montaño January 06, 2018 - 03:00 AM

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Catalino Cuy bilang bagong chairperson ng Dangerous Drugs Board o DDB.

Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Cuy sa DDB, Huwebes January 4, 2018.

Bago nito ay officer-in-charge ng Department of Interior and Local Government si Cuy.

Pinalitan ni Cuy sa DDB si Dionisio Santiago na unang sinibak ng pangulo dahil sa pagkontra sa impormasyon kaugnay ng bilang ng drug users sa bansa.

Samantala, itinalaga naman ni Pangulong Duterte si dating Armed Forces of the Philippines chief at ngayo’y Interior Undersecretary Eduardo Año bilang officer in charge ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa appointment paper ni Año na may petsang January 4, 2018, papalitan niya sa DILG si cuy na ngayon ay nasa DDB na.

Una nang sinabi ng pangulo na nais niyang maging sunod na DILG secretary si Año.

Gayunman, ang agarang appointment ni Año bilang kalihim ng DILG at ipinagbabawal sa Republic Act 6975 o ang DILG act of 1990.

Nakasaad sa batas na walang retirido o nagbitiw na opisyal ng militar o pulisya na pwedeng italaga bilang department secretary sa loob ng isang taon mula sa petsa ng kanyang retirement o resignation.

Matatandaang noong Oktubre ng nakaraang taon lamang nag-retiro si Año.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.