Barangay chairman patay sa pananambang sa Maynila

By Alvin Barcelona, Erwin Aguilon January 05, 2018 - 04:18 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa Vito Cruz, Manila.

Kinilala ang biktima na si Abdul Akop, 59 taong gulang, chairman ng Barangay 14 Zone 1 sa Pasay City.

Ayon sa Manila Police District (MPD), pinagbabaril ang biktima ng tatlong lalaking nakasakay sa motorsiklo dakong 1:00 ng hapon.

Agad na kinordon ng pulisya ang crime scene kung saan naroon ang duguan at nakabulagtang biktima.

Nakakuha na ang MPD Station 9 ng kopya ng CCTV footage sa kanto ng FB Harrison at Pablo Ocampo streets sa tapat ng isang fastfood chain kung saan naganap ang pamamaril.

Hindi naman nakuhanan ng camera ang mismong pagpatay kay Akop dahil natakpan ito ng isang sasakyan.

Kinukuhanan na rin ng testimonya ng MPD ang mga saksi, kabilang ang angkas sa motorsiklo ni Akop na nakaligatas sa pamamaril.

Inaalam ng mga imbestigador ang posibleng motibo sa krimen.

TAGS: barangay chairman, pinagbabaril, tinambangan, barangay chairman, pinagbabaril, tinambangan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.