NCRPO, magtatalaga ng snipers para bantayan ang Traslacion 2018
Magtatalaga ang pulisya ng mga snipers sa matataas na istraktura para bantayan ang Traslacion ng Itim na Nazareno sa January 9.
Ayon kay National Capital Region Police Office Chief Director Oscar Albayalde, may ide-deploy silang snipers sa high-rise structures.
Bukod dito ay gagamit pa umano ang NCRPO ng mga drones sa lahat ng segment ng Traslacion.
Simula sa Lunes ng gabi hanggang madaling araw ng Miyerkules, January 10 ay idedeploy ang isang company, o nasa isang daang tropa mula sa Special Action Force (SAF).
Ito ay binubuo ng mga snipers, mga miyembro ng Explosive and Ordnance Division (EOD) at SWAT teams ng NCRPO.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.