Mga pulis-Mandaluyong, hindi na matutulungan ng PAO sa kaso

By Kabie Aenlle January 04, 2018 - 03:59 AM

 

Hindi na matutulungan ng Public Attorney’s Office (PAO) ang mga pulis ng Mandaluyong City at ang mga tanod na sangkot sa pagkamatay ng dalawa katao sa pamamaril na naganap sa lungsod.

Kadalasang PAO ang nagbibigay ng libreng legal na tulong sa mga pulis na nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa kanilang trabaho.

Gayunman, sinabi ni PAO chief Persida Acosta na naunang lumapit sa kanila para humingi ng tulong ang mga survivors sa insidente.

Ang mga tinutukoy ni Acosta ay sina Eliseo Aluad at Danilo Santiago na nakaligtas sa pamamaril ng mga pulis at tanod sa kanilang sinasakyang AUV matapos mapagkamalang runaway vehicle.

Sa mga pagkakataon aniya na parehong dumudulog sa kanila ang magkalaban sa kaso, ang naunang lumapit sa kanila ang kanilang tinutulungan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.