Malacañang, tiniyak ang seguridad sa pista ng Nazareno
Tiniyak ng Malacañang na handa ang gobyerno para sa pista ng itim na Nazareno ngayong taon.
Sa isang pulong balitaan ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang nakikitang banta sa seguridad para sa naturang aktibidad.
Handa anya ang gobyerno at kasalukuyan nang ipinapatupad ang mga hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng publiko sa Traslacion sa January 9.
Ayon kay Roque, ito na ang ikalawang pista ng Nazareno ng administrasyon at alam na nila kung paano mapapanatili ang ‘peace and order’ sa kabuuan ng pagdiriwang.
Ang tema ng pista ng Nazareno ngayong taon ay hango sa isang bersikulo mula sa aklat ng Corinto: “Pag-ibig ang buklod ng ganap na pagkakaisa.”
Ayon sa mga opisyal ng Basilika ng Quiapo, nasa 19 na milyong deboto ang makikiisa sa prusisyon.
Nag-anunsyo na ang Metro Manila Development Authority na magpapakalat sila ng 1,300 personnel habang ang militar naman ay magdedeploy ng 500 sundalo para matiyak ang seguridad ng pinakamalaking religious event sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.