Halos 19 milyong deboto, inaasahang lalahok sa mga aktibidad sa Pista ng Itim na Nazareno

By Mariel Cruz January 03, 2018 - 01:51 PM

Inaasahang umabot sa halos labing siyam na milyong deboto ang lalahok sa sampung araw na aktibidad para sa paggunita sa Pista ng Itim na Nazareno ngayong taon.

Ayon kay Supt. Lucille Faycho ng Manila Police District, malaki ang posibilidad na tumaas pa ng limang porsyento ang bilang ng mga dumalo noong nakaraang taon sa pista na umabot sa 18 million.

Nagsimula ang mga aktibidad na may kaugnayan sa pista noong December 31, 2017, na matatapos naman sa January 9, 2018 sa pamamagitan ng prusisyon ng Itim na Nazareno o Traslacion.

Ayon pa kay Faycho, bagaman naka-alerto ang MPD, wala pa naman namomonitor na anumang banta sa pista.

Samantala, magsasagawa naman sa January 7 ng prusisyo ng mga replica ng Itim na Nazareno mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Magsisimula ang aktwal na Traslacion, alas sais ng umaga ng January 9.

Sinabi naman ni Father Douglas Badong na tinatayang nasa isa hanggang dalawang milyong deboto ang lalahok sa Traslacion, na magsisimula sa Quirino Grandstand sa Rizal Park at matatapos sa Quiapo Church.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.