Bagyong Agaton, lalo pang bumilis habang papalabas ng bansa

By Mariel Cruz January 03, 2018 - 01:35 PM

Lalo pang lumakas ang bagyong Agaton habang papalabas ng bansa.

Ayon sa PAGASA, bagaman walang itinaas na storm signals, inaasahang makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang Bicol Region at mga lalawigan ng Rizal, Aurora at Quezon dahil sa tail end of a cold front.

Huling namataan ang bagyo sa layong 390 kilometers west northwest ng Puerto Princesa City, Palawan.

Taglay nito ang hangin na aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugso na aabot naman sa 80 kilometers per hour.

Napanatili nito ang bilis na 25 kilometers per hour habang kumikilos pa-Kanluran.

Inaasahang nasa labas na ng Philippine area of responsibility ang bagyong Agaton ngayong hapon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.