Walang dagdag sa pasahe sa jeepney ayon sa LTFRB

By Mariel Cruz January 03, 2018 - 10:18 AM

INQUIRER FILE

Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang pagtataas sa presyo ng pamasahe sa jeepney.

Ito’y sa kabila ng kahilingan ng ilang transport group na itaas sa P10 ang minimum fare dahil sa naisabatas na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Atty. Aileen Lizada, tagapagsalita ng LTFRB, lahat ng pagtataas sa pasahe sa jeep, bus o taxi ay idinadaan sa proseso.

Hindi aniya kaagad ipinapatupad ang fare increase nang hindi natatalakay sa LTFRB.

Sinabi din ni Lizada na very crucial ang pagtataas ng pasahe dahil nasa 3.2 million na pasahero ang maaapektuhan kung kaya’t kailangan itong balansehin.

Papakinggan din muna aniya ng LTFRB ang panig ng commuters group bago magdesisyon sa anumang fare increase.

Una nang inihayag ng transport group na Pasang Masda na hihirit sila ng P4 na dagdag sa kasalukuyang P8 na pasahe sa jeep dahil sa bagong batas na TRAIN.

Sa ilalim ng TRAIN Law, nasa P2.50 kada litro ng diesel ang dagdag na excise tax ngayong taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.