Higit 1,000 katao napilitang lumikas sa Capiz at Aklan dahil sa bagyong Agaton
Mahigit isanlibo at limangdaan katao ang napilitan lumikas sa Capiz at Aklan dahil sa pagbaha na dala ng bagyong Agaton.
Ayon sa report ng Capiz Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, hindi bababa sa tatlongdaan pamilya o 976 katao ang nananatili sa mga evacuation center o private houses sa lalawigan.
Nagpatupad din ng pre-emptive evacuations sa pitong bayan sa Aklan kabilang na ang Kalibo ayon kay Galo Ibardolaza, executive officer ng Aklan PDRRMO.
Sinabi ni Ibardolaza na karamihan sa mga binahang lugar sa lalawigan ay malapit sa kahabaan ng Aklan River.
Bukod sa Kalibo, apektado din ang mga bayan ng Libacao, Madalag, Lezo, Numancia, Banga at Malinao.
Sa Capiz naman, sampung bayan ang apektado ng mga pagbaha kabilang ang Maayon, Sigma, Cuartero, Mambusao, Dumalag, Dao, Panitan, Pontevedra, Dumarao at Panay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.