Bagyong Agaton, bahagyang bumagal matapos mag-landfall sa Palawan
Bahagyang bumagal ang bagyong Agaton habang bumabagtas patungong West Philippine Sea.
Sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 175 kilometers West Northwest ng Puerto Princesa City, Palawan.
Taglay nito ang hangin na aabot sa 55 kilometers per hour, at pagbugso na aabot naman sa 65 kilometers per hour.
Inalis na rin ang lahat ng Tropical Cyclone Warning Signals na una nang itinaas ng PAGASA sa iba’t ibang lugar.
Bunsod nito, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang Visayas, Bicol Region, Palawan at Quezon.
Inaasahang nasa labas na ng bansa ang bagyong Agaton mamayang gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.