Mga pulis handang tumulong sa mga masasalanta ng “Agaton”

By Kabie Aenlle January 03, 2018 - 12:56 AM

 

Nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na tumulong sa mga lugar na masasalanta ng bagyong “Agaton.”

Ayon kay PNP chief Director Gen. Ronald dela Rosa, inatasan na niya ang lahat ng kaniyang mga regional directors sa mga lugar na dadaanan ng Agaton na ihanda na ang kanilang mga units at tauhan para sa disaster response operations.

Sinabihan na rin niya ang mga ito na makipag-ugnayan na sa mga local disaster risk reduction and management councils sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Samantala, tiniyak naman ni AFP spokesperson Col. Edgard Arevalo na lahat ng units nila sa mga lugar na dadaanan ng bagyo ay inatasan nang tulungan ang mga local government units.

Binilinan na rin nila ang kanilang mga tauhan na ihanda na ang kanilang Disaster Response Teams upang madaling makaresponde ang mga ito sakaling kailanganin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.