2 patay sa pananalasa ng bagyong Agaton sa Visayas

By Inquirer Visayas, Jay Dones January 03, 2018 - 02:53 AM

 

Leo Udtohan/Inquirer Visayas

Dalawa na ang naitalang patay sanhi ng pananalasa ng bagyong Agaton sa Kabisayaan.

Nitong nakalipas na araw, binayo ng malalakas na ulan ang mga lalawigan ng Cebu, Bohol, Leyte, Southern Leyte, Eastern Samar and Northern Samar dulot ng bagyong Agaton.

Nasawi sa landslide ang biktimang si Flora Basadre, 64 na taong gulang matapos na matabunan ng lupa at putik ang kanilang tahanan sa kasagsagan ng pag-ulan sa Bgy. Looc sa bayan ng Malabuyoc sa Cebu.

Samantala, isinisisi rin sa bagyo ang pagkamatay ng 39-anyos na lalake na nabagok ang ulo matapos tumalon sa bintana ng kanilang bahay sa sobrang pagkataranta sa gitna ng malakas na pag-ulan dulot ng bagyo.

Nakapagtala rin ng mga landslide at flashflood sa ilang mga bayan kaya’t ilang mga pamilya ay inilikas sa kanilang mga tahanan at pansamantalang inilipat sa mga evacuation centers.

Nasa mahigit tatlong libo rin mga pasahero ng mga barko ang stranded sa Eastern Visayas dahil sa bigong makalayag ang mga passenger vessels dahil sa malalakas na alon sa karagatan.

Patuloy ang pagbabantay ng mga disaster risk reduction ang management council ng mga probinsya upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga residenteng apektado ng bagyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.