Sen. Gatchalian, binatikos ng netizens dahil sa pagmumura sa social media
Binatikos si Senador Sherwin Gatchalian ng mga netizens dahil sa pagmumura nito kaugnay ng komento na isa itong trapo o pinaikling salita para sa traditional politician.
Gamit ang kanyang personal account na @stgatchalian, nagkomento ang senador sa balita na nagsasabing nawalan na ng kaluluwa ang bansa sa nakalipas na anim na taon.
Ang artikulo ay base sa pahayag ng dating ruling liberal party na ang 2018 ay posibleng labanan para sa nation’s soul.
Isang follower ni Gatchalian ang nag-screenshot ng mga posts ng senador noong 2010 at 2012 kung kailan pinupuri nito si dating Pangulong Noynoy Aquino at pinasalamatan nito ang kampanya laban sa kurapsyon ng dating administrasyon.
Isa namang netizen ang nagsabi na trapo sina Gatchalian at Angara, bagay na sinagot ni Gatchalian ng mura.
Mura rin ang sagot ni Gatchalian sa sinabi ng isa nitong follower na isa siyang ingrato.
Dahil sa pagmumura ay ilan ang nasabi na baka na-hack ang account ng senador pero sinabi ni Gatchalian na siya ang sumagot.
Matapos kumpirmahin na siya ang nagmura gamit ang kanyang personal account ay ilang netizens ang nagsabi na unparliamentary at parang hindi public official si Gatchalian.
Narito ang ilang screenshots ng palitan ng tweets ni Gatchalian at mga netizen:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.