Pagsasabatas ng PNP Modernzation, panahon na – Cong. Bernos

By Erwin Aguilon January 02, 2018 - 10:47 AM

Inquirer file photo

Hinimok ni House Committee on Public Order and Safety Vice Chairman JB Bernos ang Kamara na aprubahan na sa pagbabalik sesyon ang PNP Modernization Bill.

Ayon kay Bernos, napapanahon ang modernisasyon ng PNP dahil sa kakulangan ng pagsasanay at kagamitan ng mga pulis.

Paliwanag nito, ang nangyaring problema sa Mandaluyong ay nagpapakita na kulang sa kagamitan ang mga pulis sa pagsasaayos ng mga kahalintulad na problema.

Mayroon aniyang problema sa komunikasyon ang PNP dahilan bakit nagkamali ang mga pulis  nang kanilang pagbabarilin ang sasakyan ng mga biktima.

Sa nangyaring shootout sa Mandaluyong City na kinasangkutan ng Mandaluyong City Police, dalawa ang nasawi at dalawa rin ang nasugatan.

TAGS: Cong. JB Bernos, PNP modernization, Cong. JB Bernos, PNP modernization

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.