Mga lugar na nakasailalim sa signal number 1 dahil sa bagyong Agaton, nabawasan na
Napanatili ng bagyong Agaton ang lalakas nito at ngayon ay nananatili sa Visayas.
Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA, huling namantaan ang bagyo sa bisinidad ng Bais City, Negros Oriental.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.
Nakataas naman ang public storm warning signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:
- Palawan kabilang ang Cuyo Island
- Bohol
- Cebu
- Siquijor
- Guimaras
- Negros Occidental
- Negros Oriental
- Southern Antique
- Southern Iloilo
Bukas ng umaga ay lalapit ang bagyo sa bahagi ng Palawan at sa Huwebes ng umaga ito inaasahang lalabas ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.