Higit 3,000 pasahero, stranded sa mga pantalan bunsod ng Bagyong Agaton
Umaabot sa 3, 061 na mga pasahero ang stranded sa mga pantalan sa Visayas at Mindanao dahil sa bagyong Agaton.
Sa pinakahuling datos mula sa Philippine Coast Guard (PCG), pinakamaraming pasaherong stranded ay naitala sa pantalan sa Central Visayas partikular sa Cebu na mayroong 906 na mga pasahero.
Sinundan din ito ng pantalan ng Butuan sa Northern Mindanao na mayroong 795 stranded passengers.
Bukod sa mga byahe, hindi na rin muna pinayagang pumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat gaya ng 29 na mga vessel at rolling cargoes, 66 mula sa Eastern Visayas at Northern Mindanao, dahil sa pabago-bagong lagay ng alon sa karagatan na dala ng bagyong Agaton.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.