$100-M emergency fund, inilaan ng UN sa Pilipinas

By Kabie Aenlle January 02, 2018 - 04:07 AM

 

Naglaan ang United Nations Central Emergency Response Fund (CERF) ng kabuuang $100 million para sa Pilipinas at walong iba pang bansa na may kakulangan sa pondo sa emergencies.

Ito’y upang makamit ng mga naturang bansa ang kani-kanilang mga kinakailangang pondo ngayong 2018 na ilalaan para sa panahon ng sakuna.

Sa ngayon ay umabot na sa 36 na donors ang nangako na magbibigay ng $383 million sa CERF sa isang pledging session na ginanap sa New York.

Ang CERF ay isang pool of funding na sumusuporta sa mga relief operations sa mga nangyayaring krisis sa buong mundo.

Maliban sa Pilipinas, makakatanggap ng $100 milyong halaga ng pondo ang Democratic Republic of the Congo, Uganda, Tanzania, Cameroon, Mali, Eriteria, Haiti at Pakistan.

Samantala, target naman ng UN na itaas sa $1 bilyon mula sa kasalukuyang $450 milyon ang annual funding ng CERF.

Ayon kay Secretary General Antonio Guterres, batid niyang ambisyoso ang target na ito pero kaya naman itong makamit.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.