Ilang pamilya sa Bohol, inilikas dahil sa banta ng bagyong Agaton
Pinalikas na ng lokal na pamahalaan ang ilang pamilya na nakatira sa gilid ng mga ilog sa lalawigan ng bohol dahil sa pagtaas ng tubig dulot ng bagyong ‘Agaton’.
Simula pa kahapon, nakakaranas ng pag-ulan sa lalawigan dahil sa epekto ng bagyong ‘Agaton’ na nasa bahagi na ng Dinaagat islands.
Ayon sa ilang residente, biglang tumaas ang lebel ng tubig sa Sevilla river sa Tagbilaran City, na nagresulta sa pag-apaw ng tubig sa mga kabahayan at mga palayan.
Patuloy naman ang pagbabantay ng lokal na pamahalaan sa ilan pang mga mabababang lugar upang mapaghandaan ang posibleng paglilikas ng iba pang mga residente na posibleng maipit sakaling tumaas ang tubig sa kanilang mga lugar.
Samantala, walong barangay naman sa Tagbilaran ang landslide-prone area kaya’t masusi ring binabantayan ng mga lokal na pamahalaan ang mga ito.
Nakahanda na rin ang mga evacuation centers sa pagdating ng mga residenteng posibleng maapektuhan ng bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.