2 batang tinamaan ng bala sa salubong 2018, hindi biktima ng indiscriminate firing

By Rohanisa Abbas January 01, 2018 - 04:45 PM

Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa na hindi biktima ng indiscriminate firing ang dalawang 10 taong gulang na mga bata.

Ayon kay Dela Rosa, nasugatan ang dalawang bata sa insidente ng pamamaril sa Caloocan City.

Nakaalitan ni Isagani Ancheta si Gil Calupaz habang nag-iinuman na nauwi sa pamamaril ni Ancheta.

 

Sugatan din si Calupaz.

Inaresto na ng pulisya si Ancheta at narekober din ang baril na kanyang ginamit sa insidente.

Iginiit naman ni Dela Rosa na walang naitala ang PNP na nasawi o nnasugatan sa indiscriminate firing ngayong taon.

TAGS: caloocan city, indiscriminate firing, New Year, PNP, Shooting Incident, caloocan city, indiscriminate firing, New Year, PNP, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.