Nagwagi ang reporter at photographer ng Philippine Daily Inquirer (PDI) sa ginanap na Society of Publishers in Asia (SOPA) 2015 awards sa Hong Kong Miyerkules ng gabi.
Si PDI Reporter Nancy Carvajal ay nagwagi bilang Journalist of the Year dahil sa explosive series na inilabas nito sa pahayagan kaugnay sa Pork Barrel Scam.
Dahil sa nasabing serye ng mga ulat ni Carvajal, na-abolish ang pork barrel ng mga mambabatas, at nagresulta rin ito sa pagkakakulong ng tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles at tatlong Senador na sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla Jr.
Tinalo ni Carvajal para sa nasabing category ang finalist mula sa The International New York Times na si Jonah Kessel at si Hannah Beech ng TIME.
Si Inquirer Reporter Edwin Bacasmas naman ay nakapag-uwi ng Excellence in News Photography Award para sa kaniyang banner photo sa Philippine Daily Inquirer na may titulong “home street home”.
Sa nasabing larawan, ipinakikita ang sitwasyon ng isang mag-anak sa Makati City na top financial district ng bansa. Sa larawan, makikitang natutulog sa lansangan ang mag-asawa kasama ang tatlo nilang mga anak.
Tinalo naman ni Bacasmas ang South China Morning Post at Coconuts Media na kapwa may kaugnayan sa “Occupy Hong Kong Movement” ang isinumiteng entry./Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.