Shooting incident sa Mandaluyong, walang magiging whitewash – Albayalde

By Jimmy Tamayo December 30, 2017 - 09:12 AM

“Walang magiging whitewash.”

Ito ang pagtitiyak ni National Capital Region Police chief Oscar Albayalde kaugnay ng nangyaring shooting incident sa Mandaluyong City na ikinasawi ng dalawa katao at pagkasugat ng dalawang iba ba.

Sinabi ni Albayalde na hindi nila hahayaan na magkaroon ng cover-up sa kapalpakan ng mga pulis at sinisiguro niyang maparurusahan ang mga dapat managot sa pangyayari.

Nauna nang ini-relieve ang nasa 10 pulis at hepe ng Mandaluyong City police dahil sa command responsibility habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon.

Sa paunang assessment,  sinabi Albayalde na may mga paglabag sa protocols sa panig ng mga pulis maging sa SOPs (standard operating procedures) na nakasaad sa PNP manual.

Bukod sa hepe ng Mandaluyong City police na si Senior Supt. Moises Villaceran, ang mga pulis na pansamantalang inalis sa kanilang pwesto ay sina : Senior Insp. Maria Cristina Vasquez, PO2 Nel Songalia, PO1 Jave Arellano, PO1 Tito Danao, PO1 Bryan Nicolas, PO1 Julius Libuyen, PO1 Mark Castillo, PO1 Alberto Buag, PO1 Kim Tinbusay, at PO1 Alfred Urbe.

TAGS: Mandaluyong police, NCRPO chief Oscar Albayalde, whitewash, Mandaluyong police, NCRPO chief Oscar Albayalde, whitewash

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.