Ilang kalsada at tulay sa Mindanao na napinsala ng bagyong Vinta, hindi pa rin madaanan
Hindi pa rin madaan ang anim na road section at anim na mga tulay sa Region 9, 10 at CARAGA dahil sa epekto ng bagyong Vinta.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), sa Region 9 ay sarado pa rin ang Salug Dacu Bridge sa Mahayag-Dumingag-Siayam-Sindangan Roas sa Zamboanga del Sur dahil sa nasirang tulay.
Sa Region 10, partikular na sa Gingoog City, hindi naman madaanan ang spillway sa Barangay Malibud hanggang Barangay Kamanikan.
Habang sa Lanao del Norte, totally damaged din ang Pagayawan-Dimarao Bridge, Babalayan Townsite Hanging Bridge at Esperanza-Babalaya Hanging Bridge.
Nasira naman dahil sa flash flood ang Dalama Bridge sa Bacolod-Madalum Highway; at ang Daligdigan Bridge sa Salvador-Sapad-Nunungan Road.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.