Jeepney phaseout, aarangkada sa pagpasok ng 2018

By Rohanisa Abbas December 28, 2017 - 10:07 AM

INQUIRER FILE

Tuloy na tuloy na sa pagpasok ng bagong taon ang pag-arangkada ng jeepney modernization program.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, kinumpirma ni Transportation Undersecretary Thomas Orbos na handa na ang Land Transportation Office para rito.

Sa ilalim ng jeepney modernization program, hindi na papayagan sa lansangan ang mga jeep na may 15 taon o mas matagal pa ang tanda.

Ayon kay Orbos, hindi na manomano ang magiging inspeksyon sa mga jeep. Aniya, gagamitin ng Department of Transportation ang motor vehicle inspection system (MVIS) para malaman ang edad at roadworthiness ng jeep.

Ilulunsad ng kagawaran ang dalawang MVIS sa pagsisimula ng jeepney modernization program sa susunod na linggo. Inaasahang darating ang karagdagang 26 na MVIS sa unang quarter ng taon.

Target ng Department of Transportation na sumailalim sa MVIS ang hindi bababa sa 500 jeep kada araw.

Ayon kay Orbos, hindi maaaaring pumasada ang mga jeep na hindi papasa sa inspeksyon. Gayunman, maaari aniya silang mag-apply hanggang sa pumasa sa MVIS ang jeep sa loob ng tatlong taong transitory period.

TAGS: dotr, jeepney modernization progrom, jeepney phasout, lto, MVIS, dotr, jeepney modernization progrom, jeepney phasout, lto, MVIS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.