14 na insidente ng iligal na pagpapaputok ng baril, naitala ng PNP

By Kabie Aenlle December 28, 2017 - 03:46 AM

 

Mula December 16 ng alas-6:00 ng umaga hanggang December 27, nakapagtala na ang Philippine National Police (PNP) ng 14 na insidente ng iligal na pagpapaputok ng baril.

Base sa kanilang datos, pito sa mga ito ang naitala sa Metro Manila, tig-isa naman sa Regions 1, 5 at Autonomous Region in Muslim Mindanao habang tig-dalawa naman sa Regions 3 at 7.

Nasukol naman nila ang siyam katao kabilang na ang 2 pulis, isang security guard, isang sibilyan sa Metro Manila, isang barangay kagawad sa Region 1, habang pare-parehong sibilyan naman ang apat na naaresto sa Regions 3 at 7.

Sa ngayon ay may pito pa silang pinaghahanap dahil sa iligal na pagpapaputok ng baril kabilang na ang limang sibilyan sa Metro Manila, isang dating CAFGU sa Region 5 at isang pulis sa ARMM.

Samantala, pumalo naman na sa tatlo ang biktima ng ligaw na bala.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.