AFP naka-full alert sa pagtatapos ng ceasefire sa NPA

By Chona Yu December 27, 2017 - 03:22 PM

Inquirer file photo

Nasa active defense mode ngayon ang Armed Forces of the Philippines.

Ito ay makaraang matapos ang ceasefire na ideneklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa New People’s Army (NPA).

Nagsimula ang Christmas truce noong December 23 ng alas-sais ng gabi at natapos ng December 26 ng 11:59 ng gabi.

Muling iiral ang tigil-putukan sa December 30 ng alas-sais ng gabi at tatagal ng January 2, 2018 ng 11:59 ng gabi.

Sa press briefing sa Marawi City, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mananatiling nakaalerto ang mga sundalo sa kanilang mga patrol bases.

Mahalaga ayon kay Lorenzana na masiguro na ligtas ang mga Filipino sa pagsalubong sa bagong taon.

TAGS: AFP, Ceasefire, DND, lorenzana, NPA, AFP, Ceasefire, DND, lorenzana, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.