Korean at isang Pinoy, arestado sa drug buy-bust operation sa QC
Arestado ang isang Korean national sa isang buy-bust operation na isinagawa ng station 6 ng Quezon City Police District (QCPD) sa Commonwealth Avenue, Brgy. Old Balara.
Ang suspek na si Jeon Tael Sang, 45 anyos ay mula sa Busan, Korea.
Kasama rin sa naaresto ang kasama nitong Pinoy na si Bobby Ortalla, 30 anyos na taga-Fairview.
Ayon kay QCPD station 6 commander Supt. Rocel Cejas, nagpositibo ang kinasa nilang buy-bust operation laban sa mga suspek matapos na bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Hindi na nakapalag pa ang mga suspek nang arestuhin sila ng mga pulis.
Nakuha sa mga suspek ang siyam na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 15 grams.
Tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga nito.
Kasama namang ipapadala sa PDEA ang nasabat na tatlong pirasong tableta para masuri kung ito ay party drug o ecstasy.
Nahaharap ang dalawa sa kasong pagtutulak ng bawal na gamot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.