Regulasyon sa car window tint, ilalabas sa susunod na taon

By Kabie Aenlle December 27, 2017 - 03:58 AM

 

Sa unang quarter ng 2018 na inaasahang ilalabas ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang kautusan na magsasaad ng katanggap-tanggap na grade para sa tint ng mga bintana ng sasakyan.

Ayon kay Transport undersecretary for roads at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Tim Orbos, hinihintay na lang nila ang pinal na rekomendasyonng kanilang technical working group tungkol dito.

Maliban kasi sa pagtitiyak ng kaligtasan at seguridad, makakatulong aniya ang regulasyon sa car window tints sa MMDA sa pagpapatupad nito ng “high occupancy vehicle” o HOV lane sa EDSA.

Matatandaang pinalawig pa ng MMDA ang pagpapatupad nila ng HOV lane sa EDSA hanggang sa unang linggo ng Enero upang mas makakuha ng datos tungkol sa naturang traffic scheme.

Ito’y upang mas mahikayat din ang publiko na mag-carpooling.

Sa isinagawang weeklong test ng MMDA, namonitor nila na 27,524 na sasakyan ang gumamit ng HOV lane.

Gayunman, 14,645 sa mga ito ang pawang heavily tinted ang mga bintana kaya hindi nila matukoy kung sumusunod ba sa polisiya ang mga driver.

Base kasi sa polisiya, tanging ang mga sasakyang may dalawang sakay lamang ang maaring gumamit ng HOV lane na nasa innermost lane ng EDSA.

Ayon kay Orbos, oras na ilabas na nila ito ay inaasahan nilang susundin ito ng mga motorista.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.