Mas maigting na presensya, ipagpapatuloy ng PNP hanggang Bagong Taon

By Kabie Aenlle December 27, 2017 - 03:59 AM

 

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na paabutin nila hanggang sa pagdiriwang ng Bagong Taon ang mas matinding police visibility sa mga lansangan.

Ito ay para matiyak ang kaligtasan at kapayapaan hanggang sa susunod na holiday matapos ang Kapaskuhan.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde, pagtutuunan nila ng pansin ang matataong lugar at mga mahahalagang pasilidad.

Dagdag pa ni Albayalde, doble na ang kanilang pasisikap para siguruhin ang kaligtasan ng publiko ngayong holiday season.

Kasama naman sa target nila sa kanilang pagbabantay ay ang makamit ang mas mababang insidente ng indiscriminate firing.

Samantala, ngayong nalalapit na ang pagsalubong sa Bagong Taon, pinaalalahanan ni Albayalde ang mga magulang na bantayan ang mga anak sa paggamit ng paputok at tiyaking huwag gumamit ng ipinagbabawal na paputok ang mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.