Pulisya, nilinaw na hindi sunog ang nangyari sa Robinsons-Davao

By Kabie Aenlle December 27, 2017 - 02:57 AM

 

Nilinaw ng Davao City Police Office (DCPO) na ang unang naiulat na sunog sa Robinsons Cybergate sa kanilang lungsod, ay hindi pala talaga isang insidente ng sunog.

Ayon kay Senior Insp. Ma. Teresita Gaspan na tagpagsalita ng DCPO, lumalabas sa imbestigasyon ng pamunuan ng mall na ang nakitang usok ng guard dakong 2:55 ng madaling araw na nagmumula sa machine room sa unang palapag ng Robinsons ay tumatagas na Freon gas.

Ang nasabi aniyang usok mula sa nasabing bahaging supermarket ay hindi dulot ng anumang sunog o apoy.

Ikinabahala ng marami ang pagkakaulat sa umano’y sunog sa nasabing mall matapos ang malagim na trahedyang nangyari sa nasunog na NCCC mall sa Davao City din, na ikinasawi ng 38 katao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.