DOH bumuo ng grupo para sa review ng Dengvaxia

By Den Macaranas December 26, 2017 - 08:30 PM

Bubuo ang Department of Health ng isang independent probe team para pag-aralan ang mga impormasyon kaugnay sa kontrobersiyal na Dengvaxia anti-dengue vaccine.

Sinabi ng DOH na kabilang sa mga susuriin ng lupon ay ang 5-year observation period at clinical trials na ginawa ng pharmaceutical firm na Sanofi Pasteur na siyang gumawa sa Dengvaxia.

Isasama rin sa kanilang susuriin ang naging rekomendasyon ng Food and Drugs Administration sa Dengvaxia at ang naging partisipasyon ng Epidemiology Bureau sa pagtuturok ng anti-dengue vaccine sa publiko.

Gustong malaman ng DOH ang naging epekto ng Dengvaxia at kung nabawasan ba talaga nito ang mga dapat ay mabibiktima ng dengue sa bansa.

Ipinaliwanag ni Health Sec. Francisco Duque na kaisa ng kanilang tanggapan sa pag-aaral na ito ang World Health Organization (WHO).

Magkatuwang naman na iimbestigahan ng National Bureau of Investigation at ng UP-PGH ang kaso ng mga namatay na sinasabing nabakunahan ng Dengvaxia.

TAGS: Dengvaxia, doh, duque, FDA, WHO, Dengvaxia, doh, duque, FDA, WHO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.