Magnitude 3.0 na lindol, magkasunod na tumama sa Davao Oriental

By Dona Dominguez-Cargullo December 26, 2017 - 09:16 AM

Dalawang magkasunod na magnitude 3.0 na lindol ang naitala sa magkahiwalay na lugar as Davao Oriental.

Unang naitala ng Phivolcs ang magnitude 3.0 na pagyanig sa bayan ng Baganga.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang lindol alas 2:49 ng madaling araw sa 91 kilometers Northeast ng Baganga sa Davao Oriental.

Samantala, alas 7:04 ng umaga naman ng umaga ng maitala din ang magnitude 3.0 na lindol sa bayan naman ng Governor Generoso.

Ang epicenter ng lindol ay naitala sa 81 kilometers ng Governor Generoso at may lalim na 31 kilometers.

Kapwa naman hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ang magkasunod na lindol.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: baganga, davao oriental, earthquake, Governor Generoso, baganga, davao oriental, earthquake, Governor Generoso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.