Bangko Sentral bukas ngayong araw para tanggapin ang mga magpapapalit ng lumang pera

By Dona Dominguez-Cargullo December 26, 2017 - 07:55 AM

Kahit walang pasok ngayong araw sa tanggapan ng gobyerno, bukas sa publiko ang cash departments ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Sa abiso ng BSP, bukas ang kanilang cash departments sa BSP Manila at Quezon City, Regional Offices at iba pang branch mula alas 8:30 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali.

Ito ay para tumanggap ng mga hahabol pa sa pagpapapalit ng mga lumang bank notes.

Paalala ng BSP, hanggang Dec. 29 na lamang maaring ipapalit ang mga lumang serye ng salapi.

Hanggang P100,000 lamang ang maaring papalitan sa bawat transaksyon at kung ang ipapapalit ay hihigit sa nasabing halaga, papayagan ito ng BSP sa pamamagitan lang ng tseke o direct credit sa bank account ng magpapapalit.

Samantala, sa Dec. 27, 28 at 29, ang cash departments sa lahat ng tanggapan ng BSP ay tatanggap ng mga nais magpapalit mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon,

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bangko Sentral ng Pilipinas, old banknotes, Bangko Sentral ng Pilipinas, old banknotes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.