Dalawa katao naputukan sa QC; Ginang tinamaan ng stray bullet sa Caloocan

By Justinne Punsalang December 26, 2017 - 04:24 AM

 

Naitala ang ikalawang firecracker-related injury sa East Avenue Medical Center alas diyes ng gabi kahapon, December 25, at mismong araw ng Pasko.

Batay sa datos ng naturang ospital, isang labingisang taong gulang na batang lalaki ang bahagyang nasunog ang balat sa kanang hita nang dahil sa hindi pa alam na uri ng paputok.

Nakalabas na ang bata mula sa ospital matapos malapatan ng paunang lunas.

Ang unang naitalang firecracker injury ay ang animnaput dalawang taong gulang na lalaki na naputulan ng daliri matapos maputukan ng whistle bomb.

Sinasabing lasing ang biktimang si Jaime Mangahas na nakalimutang bitawan ang paputok matapos itong sindihan.

Samantala, isa namang dalawamput dalawang taong gulang na babae ang tinamaan ng ligaw na bala sa kanyang batok sa Caloocan City.

Mismong araw ng Pasko nang ito ay tamaan ng hindi pa batid na kalibre ng bala.

Dahil sa natamong tama ay kasalukuyan pa ring naka-confine ang biktima sa East Avenue Medical Center.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.