11 myembro ng BIFF, patay sa operasyon ng militar sa North Cotabato; 4 na sundalo, sugatan

By Rohanisa Abbas December 25, 2017 - 08:04 AM

Patay ang 11 myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa operasyon ng militar laban sa grupo sa Carmen, North Cotabato.

Ayon Capt. Arvin John Encinas, tagapagsalita ng Army 6th Infantry Division, walo sa 11 myembro ng BIFF ay nasawi sa airstrike na ikinasa ng militar sa Barangay Tonganon mula noong Martes.

Nakubkob din ng Army ang pinaniniwalaang training camp ng grupo.

Ayon kay Encinas, nasugatan naman ang apat na sundalo sa operasyon.

Ikinasa ng militar ang combat operations laban sa BIFF, partikular sa grupo ni Esmael Abdulmalik alyas Abu Toraife na may ugnayan umano sa ibang sa ISIS-inspired groups, gaya ng Maute group, Abu Sayyaf group at Ansar al-Khilafa.

Ayon kay Maj. Gen. Arnel dela Vega, hepe ng 6th INfantry Division, inaasahan na nila ang paghihiganti ng BIFF.

Samantala, nanatili sa evacuation centers ang mga residenteng apektado ng bakbakan.

 

TAGS: BIFF, combat operations, ISIS-inspired, North Cotabato, sundalo, BIFF, combat operations, ISIS-inspired, North Cotabato, sundalo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.