Lalaki patay matapos mabundol ng van sa Pasay City; Suspek, tumakas
Hindi na umabot pa sa selebrasyon ng Pasko ang isang lalaki matapos ma-hit and run ng van sa northbound lane ng Roxas Boulevard sa Pasay City.
Nakilala ang biktima na si Eduardo Villaflores, takatak vendor at nakatira gilid ng kalsada.
Ayon sa isang saksi, tumatawid ang biktima sa kalsada nang bigla itong mabundol ng rumaragasang van na may plakang AAU 9750.
Huminto pa raw ang driver ng van makaraan ang aksidente pero dahil sa takot na makuyog ng mga tao sa lugar ay umalis na ito para mag-report sa police station.
Narito ang report ni Mark Makalalad:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.