‘Alden’ ng Sampaloc, sugatan matapos masagasaan ng tren sa Maynila
Sugatan ang isang lalaki sa Sampaloc, Maynila matapos mahagipi ng tren ng Philippine National Railway.
Isinugod sa Ospital ng Sampaloc si Alden Abogade, na ang edad ay tinatayang nasa pagitan ng 20 hanggang 30 taong gulang.
Bagaman nahagip lang, malubha pa rin ang sugat na tinamo ni Alden.
Naganap ang insidente malapit sa G. Tuazon sa Balic-Balic sa Sampaloc, Maynila .
Ayon kay PNR Spokesperson Paul de Quiros, byaheng Alabang ang tren na nakahagip kay Abogade.
Tatawid sana ang biktima sa riles at hindi nito namalayan na mayroong paparating na tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.