Biktima ng paputok, lima pa lang ayon sa DOH

By Kabie Aenlle December 25, 2017 - 05:07 AM

Isa pang insidente ng firecracker-related injury ang naitala ng Department of Health (DOH).

Dahil dito, umabot na sa lima ang kabuuang bilang ng mga nabibiktima ng paputok na nasa talaan ng DOH isang linggo bago ang pag-salubong sa Bagong Taon.

Base sa report ng APIR o Aksyon: Paputok Injury Reduction 2017, mas mababa ito ng 16 na kaso sa five-year average, at 12 na kaso na mas mababa sa naitalang bilang noong nakaraang taon sa parehong panahon.

Sinimulan ng DOH ang pangongolekta ng mga insidente noong December 21.

Pawang mga lalaki na may edad na 11 buwan hanggang 12 taong gulang ang mga naitalang nasugatan dahil sa paputok hanggang kahapon ng umaga.

Apat sa kanila ay mula sa National Capital Region, at ang isa naman ay mula sa Bicol Region.

Sa talaan din nila hanggang Linggo ng umaga, wala pang naitatalang insidente ng pagkakalunok ng paputok at kaso ng ligaw na bala.

Muli namang nanawagan ang pamahalaan na sa halip na gumamit ng paputok, makinood na lang sa fireworks display o kaya ay gumamit na lang ng ibang pamamaraan para mag-ingay ngayong pagsalubong ng Bagong Taon.

Target ngayon ng DOH ang 50 percent na pagbaba sa insidente ng firecracker-related injuries, at kumpyansa silang makakamit nila ito dahil na rin sa pagpapatupad ng nationwide firecracker ban.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.