UN, handang tumulong sa mga biktima ng bagyong Vinta

By Rhommel Balasbas December 25, 2017 - 05:05 AM

Inihayag ng United Nations (UN) ang kahandaang tumulong para sa mga biktima ng bagyong Vinta sa Mindanao.

Sa pahayag na inilabas ni UN Secretary general Antonio Guterres sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita na si Stephane Dujarric, ipinarating nito ang kanyang pakikiramay sa libu-libong naapektuhan ng kalamidad.

Ayon kay Guterres, hiling anya niya ang mabilis na pagbangon ng mga biktima mula sa trahedya.

Sinaluduhan din ng Secretary General ang mga pagkilos na isinasagawa ng rescue and recovery teams at maging ng mga volunteers sa kabila ng mga mahihirap na sitwasyon.

Ayon sa UN, handa ang kanilang organisasyon na tumulong sa mga lokal at pambansang pamahalaan bilang dagdag sa suportang ibinibigay na ng kanilang humanitarian partners.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.