AFP, ipagpapatuloy ang defensive operations laban sa NPA

By Justinne Punsalang December 24, 2017 - 04:51 PM

Magpapatuloy ang defensive operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasabay ng pagsunod sa suspension of military operations (SOMO) na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa New People’s Army (NPA).

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, bagaman mayroong ceasefire sa pagitan ng pamahalaan at komunistang grupo, mananatiling alerto ang mga militar at pulis para masiguro ang seguridad ng mga sibilyan, maging mga establisimyento ng pamahalaan, at lahat ng base ng militar.

Samantala, isa namang sundalo ang sugatan matapos makaengkwentro ng Philippine Army ang NPA noong Martes sa isang liblib na barangay sa Magpet, North Cotabato.

Nagresulta ang naturang bakbakan sa pag-alis ng komunistang grupo mula sa Sitio Punong sa Barangay Manobo at pagkakarekober ng isang M16 rifle, mga dokumento ng NPA, at mga gamit ng mga miyembro ng rebeldeng grupo.

Matatandaang maging ang NPA ay nagdeklara rin ng holiday ceasefire laban sa pwersa ng pamahalaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.